Linggo, Nobyembre 18, 2018

""PAG-AALAGA,PAG-AARUGA AT PAGTRATO NG TAMA SA MGA ALAGANG HAYOP

                                             "PAG-AALAGA,PAG-AARUGA AT      PAGTRATO NG TAMA SA MGA ALAGANG HAYOP"
       "Ang mga hayop ay alagaan, sapagkat ang mga hayop din ang tutulong sa atin pagdating ng kahirapan". Ang mga hayop ay isa sa mga nilalang ng diyos katulad din nating mga tao. Bawat isa ay may karapatang mabuhay. Nararapat lang na bigyan ang mga hayop ng tamang pagtatrato at pagpapahalaga. Masasabi man na hindi sila nakakapag salita pero mayroon din silang damdamin. Malaki din ang nagiging ambag ng mga hayop sa bawat isa sa atin tulad ng pagiging bantay sa ating tahanan nagbibigay aliw at nagiging parte din sila ng ating pamilya. Kaya dapat lang itong itrato ng tama gaya ng pagtrato natin sa ating kapwa.

           
               Maraming malupit sa hayop, pinahihirapan, tinotortyur at pinapatay sa kabila ng may batas ukol sa pagpapahalaga ng mga hayop tila wala naming silbi at marami paring nagpapahirap at nagmamalupit sa mga ito. Sa lahat ng mga hayop, aso ang nakakaranas ng pagmamalupit. Itinuturing pa amang itong “man’s bestfriend “. Yung iba ay pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta nang karne nito. Isa sa pinakamalaking isyu ng pang-aabuso sa hayop ay ang “Yulin Festival” sa China, isang selebrasyon kung saan kinakatay ang mga aso at ginagawang pagkain ang karne nito. Halos sampong libo hanggang labing limang libong aso ang pinapatay sa nasabing fiestival. Taon taon itong ginagawa sa loob ng sampung araw.

          
     Ang masasabi namin ay nararapat lamang na bigyan ng importansya ang mga hayop dahil kaya sila ay nilikha ng diyos upang hayaan at itrato sila ng naayon o tama ng tao.Ang hayop ay may pangangailangan din na dapat natin sundin sapagkat nararapat lamang na bigyan sila ng maayos na tirahan upang magkaroon sila ng maayos na tirahan.Tayong mga tao ang lubos na may isip kaya dapat tayo ang mas nakakaunawa sa pangangailangan ng mga hayop.Ang mga hayop may damdamin din tulad ng sa tao nasasaktan,nahihirapan kaya dapat natin silang pangalagaan.  


Address:
              Purposeofanimals.blogspot.com
Members:
              Micko O. Beltran
             Peter Joshua V. Pelejo
             Johnalexander V. Morante









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento